Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Agusan del Norte alas-12:20 ng madaling araw ng Martes.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong anim na kilometro Hilagang-Silangan ng Remedios Romualdez.
May lalim ang pagyanig na anim na kilometro.
Tectonic ang dahilan ng lindol at wala namang naitalang aftershocks.
Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES