Isa na namang pasahero ang nahulihan ng bala kaninang umaga sa final x-ray sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Nakilala ang pasahero na si Boiden Balalo, tubong Nueva Vizcaya at isang Overseas Filipino Worker na nagtatrabaho bilang factory worker sa Taiwan.
Nakuha kay Balallo ang isang .22 caliber na bala na nakatago sa secret pocket ng kanyang wallet.
Hindi umano kaagad na detect ang nabanggit na bala sa unang x-ray dahil nakalimutan umano ni Balallo na idaan sa x-ray ang pitaka.
Aminado naman si Balallo na sa kanya ang bala pero anting-anting lamang umano niya ito.
Hindi pinayagan makalipad patungong Taiwan si Balallo habang iniimbestigahan pa ng PNP Avsegroup ang kaso nito.
MOST READ
LATEST STORIES