GMA maghihigpit sa panuntunan sa congressional hearing

Inquirer file photo

Nanindigan si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na hindi siya papayag na gawing kasangkapan ang mga pagdinig sa Kamara para gipitin ang ilang indibiduwal sa pamamagitan ng congressional inquiries.

Sinabi ng opisyal na alam niyang maraming mga pagdinig ang itinatago sa mga katagang “in aid of legislation” pero ang tunay na pakay ng mga ito ay gipitin ang ilang mga tao sa ngalan ng pamumulitika.

Binanggit pa ni Arroyo na mas lalo silang dapat na maging maingat sa mga panahong ito dahil papalapit na ang panahon ng eleksyon.

Pinayuhan rin niya ang mga kapwa kongresista na gustong magpatawag ng imbestigasyon na magsumite muna sa kanyang tanggapan ng draft ng mga batas na gustong gawin o amyendahan bago makakuha ng approval para sa isang congressional hearing.

Gayunman ay tiniyak naman ng lider ng Kamara na mananatili silang mahigpit sa pagganap sa kanilang tungkulin o oversight functions para mapanatili ang check and balance sa pamahalaan.

Read more...