Batay sa pasya ng Ombudsman, “preventively suspended without pay” si Mayor Tan at sina Vice Mayor Art Sherwin Gabon; Sangguniang Panglungsod members Coefredo Uy, Jeffrey Uy, Maximo Pescos, Edward Uy, Christine Joy Escober, Beethoven Bermejo, at Nanette Jasmin; City Assessor Romero Tuazon, Assistant Assessor Arthur Macabare at mula sa Office of the Assessor na si Rizal Ignacio.
Ang mga nabanggit ay nahaharap sa reklamong Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty, at Violation of Code of Conduct & Ethical Standards For Public Officials & Employees.
Base sa complainant na si Bernard Jake Ramos, ang respondents ay bumili ng agricultural lands sa halagang P120,225,000 gayung ang market value lamang ay nasa P155,497.84.
Noong October 14, 2015 ay ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng Catbalogan ang isang ordinansa para sa pagbili ng lupain. Inaprubahan naman ito ni Mayor Tan noong October 20, 2015.
Sa evaluation sa reklamo at rekords, sinabi ng Ombudsman na may basehan na isailalim sa preventive suspension ang mga respondent habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat.
Inatasan naman ang DILG na ipatupad ang kautusan ng Ombudsman.