Gusto ni Trillanes na gisahin sa pamamagitan ng isang pagdinig sa Senado kung paano nakuha ng Mislatel ang third telco slot sa katatapos na selection process ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ang Mislatel ay pinamumunuan ng kilalang tagasuporta ni Duterte na si Dennis Uy na isang negosyante mula sa Davao City.
Sinabi ni Trillanes na dapat ay maging malinaw sa publiko kung bakit sa dami ng mga kalaban sa industriya ay sa Mislatel napunta ang ipinangakong slot sa telecommunication industry ni Duterte.
Si Uy ang chairman at chief executive officer ng Udenna Corp at ng Chelsea Logistics Holding Corp. na siya namang major partner ng China Telecom na bumubuo sa Mindanao Islamic Telephone Company.
Sa pagdinig sa Senado kanina ay hindi nakarating si Uy at siya ay nagpadala na lamang ng kanyang mga kinatawan sa pangunguna ni Mislatel spokesman Adel Tamano.
Sinabi pa ni Trilllanes na ireresrba na lamang niya ang kanyang mabibigat na mga tanong para kay Uy.
Sa pagdinig ng Senado ay tinanong ang mga opisyal ng Mislatel kung paano nila gagawing mura at mas maayos ang kanilang serbisyo tulad ng kanilang inilahad bago sumalit sa ginawang bidding ng NTC.