Sinabi ni Senator Ping Lacson na may panukala na maisama sa tinatalakay na Anti-Terrorism Bills sa Senado ang pagbabantay sa mga social media accounts.
Ayon kay Lacson sinabi ng mga resource persons na posible naman ang panukala kung igigiit ng gobyerno ang ‘police power.’
Ngunit sinabi ni Lacson na kailangan ng ibayong pag-iingat dahil maaring magkaroon ng paglabag sa freedom of speech o freedom of expression.
Aniya terorismo ang pinag-uusapan kayat dapat ay gawin ng gobyerno ang lahat para mapigilan ang anumang act of terrorism.
Binanggit pa ni Lacson na may bansa na legal na napapakialaman ang social media ng kanilang mamamayan kung makakadagdag pa ang mensahe sa banta ng terorismo.
READ NEXT
Pang. Duterte nagrereklamo sa partner na si Honeylet Avanceña: Inuna pa ang ang orphange kaysa sa ipagawa ang tumutulong bubong sa bahay
MOST READ
LATEST STORIES