Sa talumpati kahapon ng pangulo sa inagurasyon ng Davao City Bulk Water Supply Project, sinabi nito na mayroon siyang pinasinayaan na orphange ng alas 2:00 kahapon.
Pero hiniling aniya ni Honeylet na huwag nang isapubliko kung saan ang naturang proyekto.
Ayon sa pangulo, nagulat siya dahil pagdating sa orphanage ay napakaganda ng pagkakagawa ng kwarto samantalang makailang beses na niyang hinihiling kay Honeylet na ipagawa ang bubong ng kanilang kwarto dahil sa tumutulo na at sira-sira na ang plywood.
Pero ang tugon lang daw sa kanya ni Honeylet ay magastos ang pagpapagawa.
Hinamon pa ng pangulo ang publiko na kung duda sa kanyang pahayag ay magtungo na lamang sa kanilang bahay sa Davao para tingnan na totoong tumutulo na ang bubong ng kanyang kwarto.
“Ah I… We were there to inaugurate an orphanage actually. Hindi iningay ng asawa ko, hindi iningay — hindi niya sinasabi. So I now realize I said I had this appointment at 2 o’clock, ‘yun pala may — hindi ko na sabihin kung ano, saan. Basta may project siya. So pagkatapos sabi ko, ‘Ang galing mo ah. Sabi ko pa na magpa-improve ako ng kwarto pa dito sabi mo magastos. Ngayon pala kung orphanage gwapo kaayo (maganda masyado) ang… Mahusay ka na babae.’ Pero kung meron kang pera sa orphanage, pero ‘yung sa kwarto kong sige’g tulo, eh isahon na lang daw. Totoo. You can come to my house tonight. Puro langkat (sira/tear) na gud ang plywood,” ayon sa pangulo.