Jake Zyrus magpapakasal na sa partner na si Shyre Aquino

Magpapakasal na ang singer na si Jake Zyrus sa kanyang partner na si Shyre Aquino.

Kinumpirma ito mismo ni Jake sa isang panayam sa kanya kasunod ng pag-amin na engaged na siya sa kanyang girlfriend.

Tumanggi naman si Jake na banggitin kung kailan magaganap ang kasal at kung saang lugar ito gagawin.

Para kay Jake si Shyre na daw ang babaeng karapat-dapat para sa kanya.

Aniya pa, kumpara sa mga nakaraang relasyon magaang kasama si Shyre at madali siyang naging komportable.

Maalaga din aniya ang kayang GF lalo na noong sumailalim siya sa surgery.

Noong isang taon, nagulat ang marami nang ipakilala ni Jake si Shyre bilang bago niyang girlfriend matapos ang break-up sa dating karelasyon na si Alyssa Quijano.

Si Jake ang dating Charice Pempengco habang si Shyre ay isang registered nutritionist at fitness instructor.

Read more...