1 patay, 4 arestado sa buy-bust sa Talisay City, Cebu

CDN Photo

Patay ang isang drug suspect at arestado ang apat na iba pa sa ikinasang buy-bust operation sa Talisay City, Cebu, Martes (Nov. 27) ng umaga.

Kinilala ang nasawing suspek na si Junjie Macaraya na residente ng Sitio Managa 1, Barangay Tabunok.

Ayon kay Sr. Insp. Alejandro Batobalonos, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unot (PDEU), si Macaraya ang target ng kanilang ikinasang operasyon sa Barangay Jaclupan.

Nanlaban umano si Macaraya sa mga otoridad na nagkasa ng operasyon.

Naaresto naman ang apat pang suspek na sina Engilie Cosep, Eusebio Abalo, Edu Manzano, at Edison Abarquez.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 53,2 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P627,760 ang halaga.

Read more...