Pinay nasawi matapos mahulog sa isang gusali sa UAE

Patay ang isang Pinay Overseas Filipino Worker matapos mahulog mula sa isang gusali sa United Arab Emirates.

Hindi na pinangalanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 22 anyos na Pinay na nahulog umano mula sa ikatlong palapag na gusali sa Emirate of Ajman noong Nov. 23.

Ayon sa DFA, idineklarang dead on arrival sa Sheikh Khalifa Hospital ang OFW.

Nakikipag-ugnayan na ang konsulada ng Pilipinas sa pamilya ng Pinay at sa mga otoridad sa Ajman sa ginagawa nitong imbestigasyon.

Nakatakda ring i-repatriate sa Pilipinas ang mga labi ng Pinay.

Read more...