US Embassy sarado sa Biyernes, Nov. 30

Nag-abiso na ang US Embassy sa Maynila na wala itong operasyon sa Biyernes, November 30.

Ito ay dahil ginugunita ang Bonifacio Day sa Pilipinas sa nasabing petsa na isang regular holiday.

Sa abiso ng embahada wala muna silang tatanggaping transaksyon sa nasabing petsa at sa kanilang affiliated offices.

Sa Lunes naman, December 3 ay balik sa normal ang serbisyo ng embahada.

Read more...