Magulang ni Sen. Trillanes iniimbestigahan ng gobyerno sa pinasok na transaksyon sa Phil. Navy

Tahimik na iniimbestigahan ng pamahalaan ang transaksyon ng mga magulang ni Senador Antonio Trillanes IV sa Philippine Navy.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Davao City, sinabi nito na binubusisi na ang mga papales ng transaksyon ng mga magulang ni Trillanes na sina Philippine Navy Capt. Antonio Floranza Trillanes Sr. at Gng. Estelita.

Tiyak aniyang lalabas sa mga susunod na araw ang resulta ng imbestigasyon.

Matatandaan na noong buwan ng Setyembre, sinabi ng pangulo na maraming pinasok na transaksyon sa Philippine Navy ang ina ni Trillanes.

Read more...