Magdalo dapat nagpakamatay na lang ayon kay Pang. Duterte

Hindi na dapat na sumuko pa sa pamahalaaan at nagpakamatay na lang sana noon ang mga sundalo na kasapi ng Magdalo group nang mag-aklas sila laban sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, nagyabang lamang ang grupong Magdalo nang lusubin ang Manila Pen at Oakwood Hotel noon subalit kalaunan ay sumuko rin naman.

Sa ngayon, sinabi ng pangulo na naghahanap siya ng financier na magpopondo sa paggawa ng Magdalo story.

Sa naturang istorya, sinabi ng pangulo na pagmumukhain niyang ‘Kengkoy’ ang mga Magdalo dahil sa ginawang pag-surender sa pamahaalaan noon.

“Maghinambog ka na mag-surrender ka. All for show. One of these days maghanap ako ng financer, the Magdalo Story. Mo — gawain ko kayong kengkoy lahat. Kengkoy man talaga ‘yan. Nag-surrender… The least that you can do is nagpakamatay ka, ‘yun talagan,” ayon sa pangulo.

Kabilang sa mga Magdalo na nag-aklas noon ay sina Senador Antonio Trillanes IV at Congressman Gary Alejano.

Read more...