Sarangani Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa 49 kilometers South East ng Sarangani alas 5:36 ng umaga ng Martes, Nov. 27.

May lalim na 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Kaninang alas 2:00 ng madaling araw niyanig din ng magnitude 4.5 na lindol ang Sarangani.

Read more...