Ito ay kasunod ng pahayag ni Foreign Minister Wang Yu ng China na ang ginawang pagsasampa ng kaso ng Pilipinas ay nakahahadlang sa magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay DFA Spokesperson Asec. Charles Jose, ang inihaing arbitration ng Pilipinas ay kinikilala sa buong mundo bilang mekanismo para sa isang sigalot sa usapin sa teritoryo sa ilalim ng international law.
Ang hakbang aniya ng Pilipinas ay maituturing na mapayapang solusyon sa territorial dispute. “We are determined to pursue the arbitration case to its logical conclusion,” ayon kay Jose.
MOST READ
LATEST STORIES