Sa nasabing kaso, hinihiling ng Pilipinas na mapawalang-bisa ang pag-aangkin ng China sa bahagi ng West Philippine Sea o South China Sea.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang week-long deliberations ay gaganapin sa Nov. 24 hanggang 30 sa Peace Palace sa The Hague, Netherlands.
Una nang nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration na may hurisdiksyon ito sa nasabing usapin, sa kabila ng paggigiit ng China na walang kapangyarihan ang Arbitral Court na hawakan ang kaso.
Kasabay nito, sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na nasa Pilipinas ang bola para maghilom ang sugat na namamagitan sa dalawang bansa.
Ayon kay Wang, ang inihaing arbitration case ng Pilipinas laban sa China ay nagsisilbing hadlang para sa mas maayos na Sino-Philippine relations.
Kung paano aniya maaalis ang nasabing hadlang, ay tanging ang Pilipinas lamang ang makasasagot.