P6.8M halaga ng shabu nasabat sa mag-asawang drug courier sa QC

Aabot sa P6.8 million na halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa isang mag-asawang big time drug courier sa Quezon City.

Ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust operation sa Barangay E. Rodriguez, kaninang madaling araw.

Naaresto sa operasyon ang mag-asawa sa kanilang inuupahang bahay na isang buwan ding isinailalim sa surveillance ng PDEA.

Ayon kay Joel Plaza, PDEA – NCR Director, maliban sa Metro Manila ay nagsu-suplay din ang mag-asawa ng ilegal na droga sa iba pang bahagi ng Luzon.

Tumitimbang 1.5 kilograms ang nasabat na droga sa kanila.

Mahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...