Bagyong Tomas tuluyan nang humina, isa na lang Low Pressure Area ayon sa PAGASA

Tuluyan nang humina ang Bagyong Tomas at ngayon ay isa na lamang Low Pressure Area (LPA).

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 1,050 kilometers East ng Basco, Batanes.

Dahil tuluyan na itong humina, sinabi ng Pagasa na ito na ang final na weather bulletin na ipalalabas nila hinggil sa naturang weather disturbance.

Nananatili namang mapanganib pa rin ang paglalayag sa northern seaboard ng Northern Luzon dahil sa maalong karagaran bunsod ng Northeast Monsoon.

Read more...