Produktong petrolyo may rollback sa ikapitong sunod na linggo

May rollback ngayong araw ang produktong petrolyo sa ikapitong sunod na linggo.

Mamayang 6am ngayong araw ng Martes magiging epektibo ang bawas presyo sa ilang kumpanya ng mga langis sa Shell, PTT Philippines, Petro Gazz, Petron, Total habang kaninang alas-dose ng hatinggabi ang Eastern Petroleum at Caltex.

Nasa P2.30 kada litro ang bawas presyo sa diesel at nasa P1.10 kada litro naman ang tapyas sa presyo ng gasolina.

Samantala ang mga kumpanya ng Shell, Petron at Caltex ay may rollback sa P2.10 kada litro ng kanilang kerosene.

Ang pagbaba sa presyo ay kasunod ng pagbaba ng halaga ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Read more...