Malacañang: Oposisyon hindi target ng memorandum no. 32 ni Duterte

Inquirer file photo

Tiniyak ng Malacañang na walang kinalaman sa nalalapit na 2019 elections ang memorandum order number 32 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Layunin ng kautusan na atasana ng lideratong Armed Forces of the Phipippines na dagdagan ang tropa ng tropa ng militar sa mga lalawigan ng Samar, Bicol at Negros kaugnay sa paglaganap ng na lawless violence nasa nasabing mga lugar.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi rin target ng memorandum order ang mga taga-oposisyon taliwas sa akusasyon ni Bayan Chairman Neri Colmenares.

Paliwanag pa ni Panelo, inilabas ang M.O para bigyang respeto ang bawat indibidwal, protektahan ang kanilang mga karapatang makapamuhay nang mapayapa.

Dapat pa nga aniyang matuwa si Colmenares dahil sinisiguro lamang ng pangulo ang kaligtasan ng publiko.

Nauna dito ay tiniyak ng pamahalaan na hindi ito panimula ng pagpapatupad ng martial law sa buong bansa tulad ng mga impormasyon na inilulutang ng mga taga-oposisyon.

Read more...