Sagot ito ng nasabing telecom firm sa pangamba ng publiko kaugnay sa posibilidad na makumpromiso ang mga impormasyon ng mga subcribers lalo’t may mga ka-partner sila na foreign telecom.
Sinabi ni Mislatel legal counsel Atty. John Coluso na prayoridad nila na pangalagaan ang lahat ng mga impormasyon ng kanilang mga subscribers kasama na ang national interest.
Ipinaliwanag pa ng Mislatel na sapat ang mag mekanisno na inilatag ng mga government regulator para sa privacy ng bawat Filipino.
Ayon sa Mislatel, pumasa sa pagsusuri ng National Telecommunications Commission (NTC), Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng security committee ng Malacañang ang kanilang paraan ng pagtatago ng mga kinakailangang impormasyon.
Ang Mislatel ay ang nanalong 3rd telco player sa ginawang selection process ng NTC kamakailan.
Ito ay consortium na binubuo ng Udenna Corporation at Chelsea Loistics Holdings Corp. ni Dennis Uy at ng China Telecom Corp.