Payag na muli ang Philippine National Police (PNP) na gamitin sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang uniporme ng pulis, kanilang mga gamit at pasilidad.
Matapos ang pulong sa Camp Crame, nagkasundo sina PNP chief Director Gen. Oscar Albayalde, aktor na si Coco Martina t pamunuan ng ABS-CBN panatilihin ang paggamit ng teleserye sa uniporme ng pulis at iba pang kagamitan.
Pero ani Albayalde, hiniling nilang gawing mas reyalidad o makatotohanan ang pag-portray ng teleserye sa mga pulis.
Hindi naman aniya nila hinihiling na puro kabutihan ng pulis ang ipalabas sa programa pero ani Albayalde, nais lang nilang gawin itong mas realistic.
Ani Albayalde umaasa sila na sa susunod na season ng Ang Probinsyano ay makikita na ang mga pagbabago.
Ang paggamit naman ng uniporme, kagamitan at pasilidad para sa teleserye ay sasailalim na sa superbisyon ng PNP.