Nakasaad sa Facebook Post ng Facebook Page na “Kaya Di Umuunlad ang Pilipinas” na naganap ang insidente sa “Ugnayan sa Makati”.
Isang 14 anyos na batang lalaki umano ang sinugod ni Campos dahil sa hindi nito pagsang-ayon sa mga inilalatag sa ugnayan.
Hindi naman nakita sa video ang sinasabing batang sinugod, pero makikita doon ang isang lalaking nakasuot ng itim na damit na tila may itinuturo at pinapagalitan.
Ayon sa Facebook Post ang nasabing lalaki ay si Cong. Campos.
Iniupload din ang nasabing video sa Facebook Page na “It’s Still Poor in the Philippines” at sa Facebook Page na “Huwag Iboto”.
Si Campos ay asawa ni Makati Mayor Abby Binay.
Wala pang pahayag ang kampo ni Mayor Binay at ni Cong. Campos hinggil sa nasabing video.