Klase sa Adamson suspendido mula 12NN bukas, Nov. 28 para makanood ng UAAP ang mga estudyante

Suspendido ang pasok bukas sa mula Senior High School hanggang College sa Adamson University.

Sa abiso ng eskwelahan, mula alas 12:00 ng tanghali suspendido na ang klase at trabaho bukas, Nov. 28 para makanood ang mga empleyado at mag-aaral ng UAAP kung saan makakalaban ng Adamson ang Univeristy of the Philippines (UP).

Umapela din Si Adamson University President Fr. Marcelo Manimtim sa lahat na suportahan ang team at magsuot ng Adamson shirts sa kanilang panoonood.

Gaganapin Game 2 ng laban ng dalawang koponan sa Araneta Coliseum.

Read more...