Katy Perry itinanghal na “highest-paid woman in music” ng Forbes

Si Katy Perry ang nanguna sa 2018 highest-paid women in music list ng Forbes.

Ayon sa Forbes, kumita si Katy ng $83 million sa pagitan ng June 2017 hanggang June 2018 dahil sa kaniyang concert tour na “Witness” kung saan inikot niya ang mga lugar sa North America, South America, Asia, Europe, Africa at Oceania, at dahil sa pagiging judge niya sa American Idol.

Pumangalawa kay Katy si Taylor Swift na mayroong income na $80 million dahil sa naibentang dalawang milyong kopya ng kaniyang album na “Reputation”.

Si Beyonce na nasa number 1 spot noong nakaraang taon ang nasa ikatlong pwesto ngayon na may income na $60 million.

Narito ang top 10 sa listahan ng Forbes:

Katy Perry ($83 million)
Taylor Swift ($80 million)
Beyoncé ($60 million)
Pink ($52 million)
Lady Gaga ($50 million)
Jennifer Lopez ($47 million)
Rihanna ($37.5 million)
Helene Fischer ($32 million)
Celine Dion ($31 million)
Britney Spears ($30 million)

 

Read more...