Sa abiso ng Comelec, hanggang November 29 na lang sila tatanggap ng substitution para sa official candidate ng isang political party o koalisyon.
Kabilang sa pwedeng i-substitute ay ang kandidato na nag-withdraw, nasawi o na-disqualify.
Sinabi ng Comelec na kailangang itakda ang nasabing deadline para ang pangalan ng substitute na kandidato ay mai-imprenta sa official ballot.
Pagkatapos ng Nov. 29 deadline sinabi ng Comelec na pwede pa ring palitan ang isang kandidato ng kapareho niya ang apilyido hanggang sa midday ng eleksyon.
MOST READ
LATEST STORIES