Sa kaniyang pahayag sinabi ni DICT Acting Sec. Eliseo Rio Jr., na transparent ang ginawa nilang bidding dahil bukas ito sa publiko.
Sa kabila nito, patuloy aniya ang pag-akusa ng mga hindi nanalo sa bidding na pinaburan ng DICT ang Mislatel.
Malinaw naman ang proseso ayon kay Rio na ang mga bidder ay inobliga na magsumite ng dalawang envelopes na ang una ay naglalaman dapat ng kanilang legal, financial at technical capabilities habang ang ikalawa ay naglalaman ng detalye ng committed level of services ng lalahok na kumpanya.
Ani Rio, nakumpleto ng Mislatel ang lahat ng requirements na ito sa unang evaluation.
Habang ang Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T) at Sear Consortium naman ay na-disqualify at hindi nakaabante sa ikalawang round dahil bigo silang makakuha ng technical certification at P700-million participation security.
Maliban dito, sinabi ni Rio na ang PT&T ay wala nang operasyon sa nakalipas na 10-taon sa mga regional offices ng NTC maliban lang sa broadband offer nito sa National Capital Region.
Habang ang Sear naman ni dating Gov. Chavit Singson, hindi ito nagsama ng participation security sa requirements na isinumite.
Sa hirit naman ng consortium na i-diskwalipika ng pamahalaan ang Mislatel dahil sa kinasasangkutan nitong isyu ng breach of contract, sinabi ni Rio na walang hurisdiksyon dito ang NTC En Banc.
Sa huli sinabi ni Rio na ang Chief Operating Officer ng TierOne ay nahatulan sa reklamong fraud at ito ay magpapakita ng kapasidad ng Sear sa pagtupad ng kanilang pangako bilang 3rd telco.
Ani Rio, ang desisyon ng US Securities and Exchange Commission ay makikita sa link na ito: https://www.sec.gov/litigation/litreleases/lr18735.htm?fbclid=IwAR0RXBWlSuimcv5d-OcKH51AHlTteUb2qawWVsM3gWYkVA7pPtacfniQuFQ