Mahigit 500 sugatan sa pagyanig sa Iran

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang western Iran malapit sa border nito sa Iraq.

Dahil sa nasabing pagyanig umabot sa mahigit 500 katao ang nasugatan.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa Sarpol-e Zahab sa Kermanshah Province.

Noong nakaraang taon tumama din ang malakas na lindol sa parehong lugar kung saan 600 ang nasawi.

Karamihan sa mga nasugatan ay nagtamo lamang ng minor injuries at 33 sa kanila ang ginagamot ngayon sa mga ospital.

Nagdulot din ng pinsala sa mga gusali ang naturang pagyanig at nawalanng kuryente ang malaking bahagi ng lalawigan.

Read more...