Coco Martin at ABS-CBN Exec. Cory Vidanes dumalo sa flag raising ceremony sa Camp Crame

INQUIRER.net Photo | CATHRINE GONZALES

Maaga sa Kampo Crame ang aktor ng teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyo” na si Coco Martin.

Dumalo sa flag-raising ceremony ng Philippine National Police si Coco kasama si ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes.

Pagkatapos ng flag-raising, lumagda ang aktor at mga ABS-CBCN executive at si PNP Chief Oscar Albayalde sa isang memorandum of agreement.

Laman ng MOU ang mga kasunduan ng PNP at network para sa teleserye para sa portrayal sa mga pulis.

Magugunitang naging kontrobersyal ang pag-portray ng teleserye sa mga pulis matapos itong punahin ni Albayalde.

Read more...