2018 Bar exams naging mapayapa

Mapayapang nagtapos ang bar examinations ngayong taon kung saan walang naiulat na ‘untoward incident’ ang Manila Police District (MPD) at Korte Suprema.

Sa pagtatapos ng exams kahapon, naganap ang tradisyonal na ‘salubong’ ng mga kapamilya, organizations, fraternities, sororities sa mga nakatapos sa apat na linggong pagsusulit.

Dahil sa inaasahang dagsa ng mga tagasuporta ng mga examinees ay lalong hinigpitan ng pulisya ang seguridad.

Ayon kay MPD Station Station 4 spokesman Sr. Insp. Philipp Ines, sinunod nila ang mga inilatag na security precautions.

Mula sa 400 ay itinaas sa 500 ang ipinakalat na police personnel lalo na sa gates ng University of Santo Tomas (UST)).

Mayroon din deployment ng bomb squad at K-9 units sa lugar.

Kabilang sa mga personalidad na nakitang pumasok sa UST ay si dating Vice President Jejomar Binay.

Umabot sa 8,156 ang nakatapos sa pagsusulit ayon sa Office of the Bar Confidant ng Korte Suprema.

Read more...