Panelo mananatiling tagapagsalita ni Pangulong Duterte

Inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na mananatili siya bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kabila ng mga pahayag ng pangulo na naghahanap na siya ng bagong tagapagsalita.

Sa isang panayam, sinabi ni Panelo na masaya siya sa pagiging spokesman at mananatili siya rito hanggang sa gusto ni Duterte.

Alam naman anya niya na pansamantala lamang ito at susunod siya sa anuman ang utos ng presidente.

Si Panelo ay unang itinalaga bilang Presidential Legal Adviser.

Giit ng opisyal, bago pa man siya italaga bilang tagapagsalita ay naglalabas na siya ng statements para sa pangulo.

Bukod sa masaya siya sa pangalawang pwesto, ay naniniwala siyang masaya ang mga reporters sa kanya dahil mas kaunti ang mga tanong ng mga ito.

Ito anya ay dahil naglalabas siya ng mga pahayag bago pa magpatawag ng press briefing.

Read more...