Optional retirement age sa mga trabahador ng gobyerno gustong pababain

Isinusulong ng ACT Teachers partylist ang pagpapababa sa optional retirement age ng mga government employees.

Sa ngayon, 60 ang optional retirement age batay sa nakasaad sa Republic Act 8291 o GSIS Act of 1997.

Sa itinutulak na pag-amyenda sa naturang batas, nain ng partylist na pababain sa 56 ang optional retirement age para sa mga empleyado ng gobyerno.

Ngunit ayon sa GSIS, sakaling matuloy at maging ganap itong batas, mababawasan ng 12 taon ang pondo ng ahensya.

Paliwanag ng GSIS, sa kanilang hawak na datos, 64% ng mga GSIS members ang nagreretiro sa edad na 60 at kung pabababain ang retirement age ay mas dadami pa ang mga magreretiro na kakailanganin nilang bigyan ng pensyon.

Sa House committee level pa lamang nakalulusot ang panukala at inaasahan ang GSIS na magbibigay ng pag-aaral sa epekto ng panukala sa kanilang pondo sakaling maaprubahan ito at maging ganap na batas.

Read more...