Tinaasan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang multa para sa mga sumusuway sa yellow lane policy sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay MMDA Spokesperson and Assistant Secretary Celine Pialago, mula P200 ay P1,000 na ang multa ng mga city buses na lalabag sa polisiya.
Ang mga private car owners naman ay pagmumultahin ng P500.
Sinabi ng opisyal na ang mga pribadong kotse ay kailangang manatili sa kanilang designated lanes.
Ang mga kotse ay bumubuo sa 80 hanggang 90 porsyento ng mga sasakyang dumaraan sa EDSA.
Ang mga yellow lane offenders ay nahuhuli ng MMDA sa pamamagitan ng surveillance cameras na nakalagay sa kahabaan ng EDSA.
MOST READ
LATEST STORIES