4 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

Apat, kabilang ang tatlong babae ang inaresto ng mga otoridad matapos magkasa ng buy bust operation ang mga pulis sa Barangay San Roque na sakop ng Cubao, Quezon City.

Nakilala ang mga drug suspek na sina Rodel Rayos alyas Jerry, Dennise Dasalla alyas Vani, Michelle Pable, at Che Vallera.

Nasamsam mula sa mga ito ang 16 na sachet ng shabu, iba’t ibang mga drug paraphernalia, at perang hinihinalang kita ng mga suspek mula sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamit, bukod pa sa buy bust money.

Mahaharap ang apat sa kasongpaglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...