AFP tiniyak na tinitingnan na ng pamahalaan ang panghaharass ng Chinese Coast Guard sa media

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila binabalewala ang harassment incident ng Chinese Coast Guard sa mga kawani ng media na naganap sa Panatag Soal.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, hindi lamang ang kanilang hanay ang bahagi ng pamahalaan na sumisiyasat at may karapatang magbigay ng solusyon sa naturang insidente.

Dagdag pa nito, ang naturang isyu ay dapat talakayin din sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Matatandaan na kamakailan lamang ay pinaalis ng Chinese Coast Guard ang media team ng GMA 7 na sumubok na makalapit sa Panatag Shoal.

Sinabi ng Chinese Coast Guard na hindi sila maaaring makalapit pa sa lugar dahil ito ay sakop na ng dagat na pagmamay-ari umano ng pamahalaan ng China.

Read more...