Ginang kritikal matapos barilin sa Pasay City

Nanganganib ngayon ang buhay ng isang babae matapos mabiktima ng pamamaril sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Gina Catalan na dating nanilbihan bilang barangay captain.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, nagwawalis si Catalan sa labas ng kanyang bahay nang biglang dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Walang pag-aatubiling binaril ng gunman ang biktima bago agad na tumakas.

Sa batok tinamaan si Catalan na agad isinugod sa ospital at ngayon ay nasa kritikal na kundisyon.

Hindi makapaniwala ang pamilya ng biktima sa nangyari sa kanilang ina. Ayon sa mga ito, wala silang matukoy na posibleng dahilan sa kung bakit pagtatangkaan ang kanyang buhay.

Kasabay ng pagpapatuloy ng imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo sa krimen ay tinutugis na rin nila ang riding in tandem na bumaril sa biktima.

Read more...