‘It’s More Fun in PH’ slogan, pananatilihin ng DOT

Inihayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ipagpapatuloy ng kagawaran ang “It’s more fun in the Philippines” slogan.

Ayon kay Puyat, maglulunsad ang kagawaran ng branding campaigns na layong pag-ibayuhin ang slogan.

Ang ‘It’s more fun in the Philippines’ slogan ay nabuo sa ilalim ng nakaraang administrasyon.

Sinabi ni Sec. Puyat na limang advertising agencies ang aatasang i-refresh ang naturang tourism campaign at tatargetin anya ang millennials.

Nais anya ng DOT na masigurong makasasabay ang tourism campaign ng bansa sa mga trends sa online world.

Nailunsad anya ang naturang campaign slogan noong 2012 kung saan hindi gaanong malakas ang social media kumpara sa kasalukuyan.

Samantala, sinabi naman ni Puyat na hindi lamang nila nais itaguyod ang tourism products at mga destinayon ng bansa ngunit igigiit din ang sustainable tourism sa mga lokal na komunidad, stakeholders at mga turista.

Read more...