Makalipas ang apat na linggo ay natapos na ang bar examinations para sa mga aspiring lawyers ngayong taon.
Sa huling tala, mula sa 8,701 aplikante, tanging 8,156 lamang ang sumipot sa huling araw ng examination.
Batay sa record ng Office of the Bar Confidant, 543 ang hindi pumunta sa unang araw ng bar exams, kung saan Political Law, International Law, Labor Law, at Social Legislation ang focus ng pagsusulit.
Nabawasan pa ulit ng dalawang examinees ang sumunod na dalawang linggo ng bar exams, kaya ang pinal na bilang ay nasa 8,156.
Civil Law at Taxation Law ang coverage ng ikalawang linggo ng pagsusulit, habang Mercantile Law at Criminal Law naman sa ikatlong araw.
Pagsapit ng huling hapon ng bar exams, dinagsa ng mga kaibigan at kamag-anak ang paligid ng University of Santo Tomas upang salubungin ang kanilang mga sinusuportahang aspiring lawyers.