Mahigit 100 naospital dahil sa isang poison gas attack sa Syria

AP

Umakyat na sa 105 katao ang dinala sa ospital matapos maglunsad ng isang chemical attack ang mga rebelde sa Aleppo, Syria.

Ayon kay Forensic Medicine General Director Zaher Hajo, mula sa naturang bilang, 15 na ang nakalabas na sa ospital.

Dalawa naman sa mga ito ay umayos na ang kundisyon matapos maging kritikal ayon sa mga doktor.

Ayon kay Russian Defense Ministry spokesperson Major General Igor Konashenkov, nagpadala na sila ng chemical weapons specialist sa lugar upang siyasatin ang pinangyarihan ng pag-atake.

Samantala, itinanggi ng oposisyon at mga rebeldeng pinuno na sila ang naglunsad ng pag-atake. Katunayan ay inakusahan ng mga ito ang pamahalaan na silang sumisira sa umiiral na ceasefire sa lugar.

Read more...