Ms4.5 na lindol tumama sa Ilocos Norte

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Nueva Era sa Ilocos Norte hapon ng Linggo.

Batay sa impormasyong inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang lindol sa 22 kilometro hilagangsilangan ng Nueva Era.

May lalim itong 12 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Intensity II sa lungsod ng Vigan, habang Intensity III naman sa Laoag City.

Makalipas ng ilang oras, dalawang mahinang mga pagyanig ang muling naitala sa Ilocos Norte.

Naramdaman ang isang magnitude 2.6 na lindol sa bayan ng Marcos, habang 3.0 naman sa bayan ulit ng Nueva Era.

Kapwa tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol.

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang idudulot na pagkasira sa mga ari-arian ang mga naganap na pagyanig.

Read more...