Rep. Ruffy Biazon, suportado ang panukalang mandatory ROTC ni Pangulong Duterte

INQUIRER PHOTO/EDWIN BACASMAS

Suportado ni Rep. Ruffy Biazon ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing mandatory sa buong bansa ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa senior high school.

Ayon kay Biazon na siya ring Senior Vice Chair ng House National Defense Committee, aniya kanyang sinusuportahan ang pagiging mandatory ng ROTC para maitanim ang pagiging makabayan, serbisyo at disiplina sa mga kabataan.

Dagdag ng mambabatas, malilinang din dahil sa ROTC ang leadership sa mga ito.

Bukod dito, binigyang diin ni Biazon na dahil sa ROTC ay makapagtatag ito ng isang standby force sa panahon ng mga kalamidad, national emergences at sa iba pang mga pagkakataon.

Una nang naihain si Biazon ng House Bill No. 1260 na naglalayong maging mandatory ang ROTC sa simula pa lang ng kanyang termino noong 2016.

Read more...