Panalo sa isinagawang referendum sa Taiwan ang mga anti-gay marriage groups.
Ang referundum na kung saan ang dapat na kilalanin lang ng Taiwan’s Civil Code ang kasal sa pagitan ng lalaki at babae ay nakakuha ng mahigit na pitong milyong boto.
Habang ang nanawagan naman ng same-sex unions na maipatupad sa ilalim ng hiwalay na batas ay nakakuha ng aabot sa anim na milyong boto.
Ang mga gay rights activists na naghain ng panukala na dapat bigyan ng pantay na marriage rights ng Civil Code ang mga same-sex couples ay nakakuha lang ng nasa tatlong milyong boto.
Una nang nilinaw ng gobyerno ng Taiwan na hindi makakaapekto ang resulta ng referendum ang orihinal na desisyon na pagsasalegal ng korte sa same-sex marriage.
Noong taong 2017 ng gawing legal ng pinakamataas na hukuman sa Taiwan ang same-sex marriage na siyang kauna-unahang lugar sa Asya.