Pinoy, nasungkit ang ginto sa JuJutsu World Championship

Courtesy of jjfphiloffcial ig account

Gumawa ng kasaysayan si Meggie Ochoa matapos masungkit ang gintong medalya sa JuJutsu World Championship na ginanap sa Malmö, Sweden.

Nanguna si Ochoa sa women’s seniors 49-kilogram class.

Sa score na 2-0 ay natalo niya ang pambato ng Canada na si Vicky Hoang.

Nasungkit din ni Ochoa ang gintong medalya sa ginanap na Jiujitsu World Tour sa London noong Marso.

Unang nanalo ng bronze medal si Ochona sa Asian Games in Indonesia.

Read more...