Bagyong Tomas lumabas ng PAR pero papasok ulit sa loob ng 18 oras

Lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Tomas ngunit inaasahang papasok ulit sa loob ng 18 oras.

Sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,550 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.

Bahagya itong bumilis sa 15 kilometro kada oras sa direksyong Silangan Hilagang-Silangan.

Nasa typhoon category pa rin ang bagyo taglay ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 kilometro bawat oras.

Hindi pa rin ito inaasahang tatama sa kalupaan.

Gayunpaman, mapanganib ang paglalayag sa seaboards ng Northern Luzon, eastern seabords ng Central at Southern Luzon at eastern seabord ng Visayas dahil sa ihip ng norther monsoon o amihan.

Read more...