M3.5 na lindol naitala sa Davao Occidental

Naitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa karagatang sakop ng Davao Occidental kaninang alas-10:32 ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 56 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Don Marcelino.

May lalim itong 138 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...