Residential area sa Novaliches, QC nasunog

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Novaliches, Quezon City, Sabado ng hapon.

Batay sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), aabot sa 50 bahay kung saan 100 pamilya ang apektado sa sumiklab na sunog sa bahagi ng Katipunan Extension Kingspoints Subdivision sa Barangay Bagbag.

Itinaas pa sa ikatlong alarma ang sunog bandang 4:30 ng hapon.

Tuluyan namang na-kontrol ang sunog dakong 6:45 ng hapon.

Read more...