Pinatay na Balaoan, La Union vice mayor, nailibing na

Naihatid na sa kaniyang huling hantungan ang napatay na si Balaoan, La Union Vice Mayor Al-fred Concepcion.

Mula sa munisipyo ng Balaoan, dinala ang mga labi ni Concepcion sa St. Nicholas Church para sa idaraos na huling misa bago ang libing.

Sa sermon ni Father Ronald Chan, kinondena nito ang ginawang pananambang sa bise alkalde.

Nakiramay naman ang mga kamag-anak at tagasuporta na patuloy na nananawagan ng hustisya.

Matatandaang tinambangan ang bise alkalde at ang kaniyang anak na si Mayor Aleli Concepcion ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa Balaoan-Luna Road noong November 14, 2018.

Read more...