28 katao, nalunod matapos mahulog sa canal sa India

Google map

Hindi bababa sa 28 katao ang patay matapos malunod sa isang canal sa India.

Sakay ang mga biktima, binabagtas ng isang pribadong bus ang isang kalsada nang biglang mahulog sa canal sa bahagi ng Mandaya district sa Karnataka.

Ayon sa pulisya, karamihan sa mga biktima ay pawang mga estudyante na pauwi na sana sa kani-kanilang bahay.

Sa ngayon, hindi pa makapagbigay ang pulisya ng eksaktong bilang ng mga nakasakay na pasahero sa bus.

Hindi pa rin tiyak ang naging sanhi ng aksidente.

Samantala, tumulong na ang emergency workers at divers sa operasyon sa lugar.

Nangako naman si State chief minister H. D. Kumaraswamy na magpapaabot ng tulong sa mga pamilya ng mga biktima.

Read more...