Ginawa ito ni Carpio sa kabila ng pag-amin na ligtas naman ang nilagdaang memorandum of agreement ng Pilipinas at China para sa joint exploration noong bumisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping kamakailan.
Sa pagdalo nito sa isang forum sa University of the Philippines – Bonifacio Global City, sinabi nito na dapat tiyakin ng pamahalaan na hindi nito maipamimigay ang soberenya ng bansa sa China sa pinal na kasunduan.
Nagbabala si Carpio na kung maaagrabyado ang Pilipinas sa final agreement sa China, kahit ang Korte Suprema ay hindi ito mapipigilan.
Iginiit ni Carpio na anumang kasunduan na papasukin ng bansa sa China ito ay agad na magiging epektibo at walang hukuman ang may hurisdiksyon sa China.