Utos na pagsusumite ng draft ng peace deal, hindi susundin ng NDFP

Babalewalain ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang demand ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsumite ang grupo ng draft ng peace agreement.

Ayon kay Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison, hindi susundin ng NDFP ang utos ni Duterte na magsumite sila ng draft ng peace deal.

Noong Huwebes, November 22, 2018, ay sinabi ng pangulo na nais niyang magbigay ang rebeldeng grupo ng bersyon nito ng peace agreement na susuriin naman ng gobyerno.

Pero nanindigan si Sison na mayroon ng kanya-kanyang draft ng comprehensive agreements ukol sa ekonomiya at pulitika ang parehong peace panels.

May progress na aniya ang dalawang panig para pag-isahin ang kanilang drafts ng peace deal kaya dapat lamang na huwag pansinin ang hinihingi ni Duterte.

Read more...